Ngayon ko lang nalaman, sa aking pag muni muni sa Google Search Results. Number 1 pala ako sa Keywords na: "anong english neto: ngayon ko lang nalaman?". Ang haba no? Non-sense. Hehehe.. Nonsense talaga. Naghahanap kasi ako kung paano englishin ang phrase na "Ngayon ko lang nalaman!" Hirap talaga. Pero alam ko na kung ano, habang tinatype ko tong post na to ngayong araw, alam ko na ang english ng "Ngayon ko lang nalaman". Ikaw alam mo ba? Alam kong alam mo, pang bobong tanong lang to eh, at lahat ng bloggers matatalino. wahehehe. Ngayon mo lang ba nalaman? ako din, ngayon ko lang nalaman.
Di ko na alam kung anong uunahin ko, yung A-plus Website or ADEC website. Ano ba naman to, paki ng mga readers kung ano yang mga site na yan. Hehehe.. personal racket ko to eh. Parang sideline, pero hindi naman talaga to sideline, kasi eto ang trabaho ko. Designing Cutting Edge Web 2.0 Layouts, and Custom PHP Programming for commercial websites! Naks naman! Hanep, sana nga matapos ko tong pinapagawa sa akin, para masaya! weeeeeee!!! Wala na me maisip na e post ngayong araw, dami kasi akong gustong e post, kaso di ko alam kung paano ko ipag sunod sunod tong nasa isip ko, baka magalit yung ibang nakapila sa aking isipan kung uunahin ko yung ibang mga posts sa isip ko. Kaya hanggang dito nalang for this day. Maraming maraming salamat sa mga taga subaybay (kahit wala naman talaga, hehe)
Kanta muna ako: "Ako ay may ulo na aking ginagalaw, aking ginagalaw, aking ginagalaw, ako ay may ulo na aking ginagalaw, salamat sa may Kapal." Ako ay may balikat na aking ginagalaw, aking ginagalaw... and so on....
Wednesday, April 11, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hi blog hop lang ^_^ Xlink tayo weeiii! ^_^
Post a Comment